Monday, May 18, 2009

...='(

sabi sa isang kasabihan, maging totoo ka ibang tao lalung lalo na sa sarili mo. ngayong ginawa ko naman, bakit parang hindi masaya ang lahat sa desisyon ko? para sa kanila ba mali ang ginawa ko? hai...
kaninang kumakain kami ng mga kaibigan ko sa isang famous fastfood chain, tinanong ako ng isa sa kanila, kumusta na raw ba kami? sabi ko ayos lang. nagsimula silang mang-inis. hindi pa daw ba kami? sabi ko, bakit naman magiging kami? nagulat siya sa sagot ko.. ewan ko, kagulat-gulat ba ang sagot ko?? sinabihan niya ngayon ako na magkwento.. naging mahaba at medyo magulo ang usapan namin. halos lahat sila, hindi sang-ayon sa pasya ko... at isa lang ang punto ng usapan namin: hindi pa ako handa para sa isang commitment. masama ba yon? hindi ko alam anong mararamdaman ko kaninang kasama ko sila. habang nagsasabi sila ng kani-kanya nilang mga opinyon, pinipigil ko lang ang sarili ko na maiyak. sino ba naman ang hindi maiiyak, parang pinagtulungan ka... your decision against their opinions. alam ko naman, nasa akin parin ang huling pagpapasya. pero masakit lang talaga para sa akin... akala ko, lubos nilang mauunawaan ang panig ko... alam ko naman na naiintindihan nila ako pero nangingibabaw parin sa kanila ang opinyon na mali ang naging decision ko. na sa huli magsisisi rin ako. bakit ganon? talagang nakuha niya ang loob nila. hindi ko sila masisisi. mabait kasi siya. pero ayoko namang magpadala sa dikta nila at sa kabaitan niya upang gumawa ng isang desisyon na alam kong hindi ko kayang panindigan... im just being true to myself, yet, nobody fully understand me... kahit ang pinakamatalik ko yatang kaibigan, tingin sa decision ko mali... ngayon di ko alam kanino talaga sasandig. na kapag ibinahagi ko ang sentimyento ko, hindi ako makaririnig ng mga violent reactions, pati na ang mga paalalang mukhang warnings na "nasa huli ang pagsisisi". ewan ko ba, pinipilit ko namang kunin ang mga sinasabi nila sa positibong paraan pero aaminin ko, nasasaktan din naman ako... hinihingi ko lang kasi...hindi talaga ang mga payo...kundi ang makinig lang kung ano ang talagang nararamdaman ko...yun lang naman... mahirap ba iyon?...