Wednesday, January 7, 2009

Pwede...pero hindi Dapat


"Lahat ng bagay pwede,

Pero hindi lahat ng bagay, Dapat."


Ang natapos na taon ay nagdulot sa akin ng maraming aral tungkol sa buhay. May masaya, may malungkot at meron ding nakadidismaya at nakaiiyak. Ang mga pangyayaring naganap sa nagdaang taon ang tumulong sa akin upang lalo ko pa ngayong mapaglinang ang aking sarili at ang aking personal na pakikipag-ugnayan sa aking kapwa. Naalala ko ang isang kabanata ng aking buhay last year. I committed a big mistake. Mali ang aking desisyon na napili. Tinatanong ako dati ng isa sa aking malapit na kaibigan kung bakit ginawa ko ang desisyon na iyon. At madalas, hindi ko siya masagot. Nagpapasalamat na lamang ako sa kanya dahil kahit malabo ang sagot ko sa kanyang katanungan, nauunawaan pa rin niya ako. Ngayong binabalikan ko ang parteng iyon ng aking buhay, inaamin ko na pinagsisisihan ko kung bakit sumuong ako sa ganoong sitwasyon. Mali kasi. Pero naisip ko, wala nang mangyayari kung patuloy ko pang kukutyain ang sarili ko. Nagkamali ako. Nalaman ko iyon. At nagsisi na ako. Mas mahalaga na sa kabila ng nagawa kong maling pili, may aral pa rin akong natutunan na nakatulong sa akin upang maging lubos ang pagpapahalaga ko sa aking sarili. Isang aral iyon na nagpakita na tama nga, napakahalaga ng mga salitang paghihintay... at pananalig sa plano ng Panginoon. Inaamin ko na sa yugtong iyon ng aking buhay, pinangunahan ko Siya. Ngunit sa kabila ng kamaliang ginawa ko sa Kanya, hindi pa rin niya ako pinabayaan. Tinulungan pa rin Niya akong mahanap ang landas tungo sa matuwid at ginamit Niyang instrumento ang mga taong naging malapit sa akin ng mga panahong iyon upang maliwanagan ako. Sa loob ng isang buwang nagbulag-bulagan ako sa tunay na matuwid ay inakay Niya ako, katulong ng mga taong naging instrumento Niya, upang mahanap ang aking nawawalang sarili. At malaki ang pasasalamat ko na naituwid ko ang pagkakamaling iyon. Muli kong natahak ang landas na matuwid...


Ngayon, masaya kong ibinabahagi na talagang nakaalpas na ako sa hindi mabuting desisyon na iyon. Nagsisisi pa rin ako at kung minsan ay nalulungkot at nahihiya pero mas nangingibabaw ang damdamin ng pagmamalaki dahil nagawa kong mahanap muli ang tunay na ako. Mas tumibay pa lalo ang aking ugnayan sa Panginoon. Lagi ko na ring isinasapuso na may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Kinakailangan lamang ang pagtitiwala sa Kanyang dakilang layunin...




2 comments:

princejuno said...

di masama ang magkamali...
madalas dun tayo natututo...
mistakes are part of life...
ang mahalaga...
aminin...
tanggapin...
magsisi...
at gumawa ng aksyon...
happy new year...hehe

Lhonz said...

yap...

ngayon nga po, kapag naiisip me un, oo nakakafil parin me ng guilt. pero natutuwa narin ako na nakalagpas na me sa situation na yun.:)

atliz natuto ako. un naman ang importante:)

Godbless!